Posts

Showing posts from August, 2013

ISANG BUONG MANOK

Nung mga binata pa kami, mahilig kaming magkita-kita pagkatapos sa trabaho at mag-inuman sa mga nakapaligid na karinderya sa Makati. Isang gabi lumabas kami nila Dyords at Ariel at tulad ng nakagawian, nag-inuman kami. Nung paubos na yung pinupulutan naming mani (mga kuripot kasi kami), biglang um-order si Ariel ng " isang buong manok ". Nagulat ako kasi mahal yun at baka hindi namin mabayaran. Sabi ni Ariel wag kaming mag-alala at sabay tinanong ako kung " saan ba galing ang manok? " Sabi ko " ...sa itlog ." Saka niya nilinaw na itlog ang ino-order niya kasi isang buong manok ang laman nun...kung napisa. Yun pala ang code word ng itlog doon sa loob ng karinderya :-) Ang pag-aaral ng isang piyesa ay parang itlog ng manok na nililim-liman at inaasahang mapisa matapos ng 21 days (alam ko ito kasi nag-alaga kami ng mga manok noon sa gilid ng bahay namin). Depende siyempre sa ating kanya-kanyang talento, puwedeng mabilis o matagal (o habambuhay) nating inaara...