Posts

Showing posts from 2014

Nota o Tenga?

"No tabs were used in this video" ang madalas kong mabasa sa mga ibang nagpo-post ng guitar videos nila. Naalala ko tuloy yung disclaimer na "No animals were injured during the filming of this movie" . Para bang gusto nilang ipangalandakan na super galing nila at hindi nila kinailangan ng tabs para tumugtog. At para bang ang tabs o sheet music ay para lang dun sa mga hindi marunong gumawa ng sarili nilang arrangements.   "This piece was played by ear" ang isa pang disclaimer na nakikita ko sa mga guitar videos. Nagtataka lang ako kasi akala ko kamay at daliri ang ginagamit sa pagtugtog ng gitara at hindi tenga :-)  Ano nga ba ang tamang paraan sa pag-aaral ng isang kanta o piyesa?  Nota o tenga?  Para sa akin ay pareho itong kailangan.  Samahan mo na rin ng utak, puso, atay at balunbalunan!  Ang pagbabasa ng nota (o tabs kung hindi ka marunong magbasa ng standard notation) ay parang pagbabasa ng libro. Ang pagsusulat ng isang arrangeme...