Nota o Tenga?
"No tabs were used in this video" ang madalas kong mabasa sa mga ibang nagpo-post ng guitar videos nila. Naalala ko tuloy yung disclaimer na "No animals were injured
during the filming of this movie". Para bang gusto nilang ipangalandakan na super galing nila at hindi nila kinailangan ng tabs para tumugtog. At para bang ang tabs o
sheet music ay para lang dun sa mga hindi marunong gumawa ng sarili nilang arrangements.
"This piece was played by ear" ang isa pang disclaimer na nakikita ko sa mga guitar videos. Nagtataka lang ako kasi akala ko kamay at daliri ang ginagamit sa pagtugtog ng gitara at hindi tenga :-)
Ano nga ba ang tamang paraan sa pag-aaral ng isang kanta o piyesa?
Nota o tenga?
Para sa akin ay pareho itong kailangan.
Samahan mo na rin ng utak, puso, atay at balunbalunan!
Ang pagbabasa ng nota (o tabs kung hindi ka marunong magbasa ng standard notation) ay parang pagbabasa ng libro. Ang pagsusulat ng isang arrangement ay isang paraan para makipag-communicate ang composer/arranger sa ibang musikero. Hindi ito kahinaan o kasalatan sa kaalaman kung ang isang tao ay umaasa sa pagbabasa ng nakasulat na piyesa. Kung hindi sinulat nila Bach, Weiss, Sanz, Sor, Handel, Tarrega, atbp. yung mga compositions nila, wala sana tayong tutugtuging musika mula sa Baroque, Classical at Romantic periods at lalong walang puwedeng tengahin kasi wala namang mga audio recorders noon.
Nung hindi pa ko marunong magbasa ng nota, inaabot ako ng ilang linggo para matutunan ang isang rock o pop music. Kahit na mabuo ko ito ay marami pa rin akong mali at namimintisang mga nota. Wala akong cassette player at tapes nung 1980s kaya nakikinig lang ako sa mga pinapatugtog sa jeep at tricycle habang nakasakay ako. Pag-uwi ko sa bahay ay doon ko nire-recall yung mga maliliit na details na narinig ko. Magandang training yun pero masyadong inefficient kung gusto mong umunlad ng mas mabilis. Wala rin akong mapagtanungan noon kasi kahit yung mga matatandang musikero, hindi naman nila alam kung paano ipaliwanag yung mga techniques at theory na ginamit nila. Kung meron mang mga babasahin noon, yung mga punit-punit na Jingle ang ginagamit ko pero maraming mali sa mga chords doon.
Ngayon, sangkaterba na ang naglipanang mga guitar forums, tutorial videos, pirated mp3s, tabs at iba pa. Lima singko na rin ang mga guitar instructors na may masters o doctorate degrees pa. Maraming mga bata ang mabilis na gumagaling dahil sa dami ng available resources sa pag-aaral. Hindi na nila kailangang maghintay na patugtugin sa radyo yung gusto nilang pag-aralan. Ilang downloads lang at nandun na yung video o music at kung sinusuwerte, merong isang mabait na kaluluwa na gumawa ng tabs nito.
Unless na masochist ka at gusto mo talagang pahirapan ang sarili mo, bakit ka magtitiyagang kapain ang isang tugtog kung meron nang mga nag-post ng resources para mas mabilis mo itong matutunan? Isang urban myth na kinakalat ng iba ay nakakasagabal daw sa creativity kung umaasa lang sa pagbabasa ng nota. Sa totoo lang, sa sobrang creative nung mga nanghuhula sa arrangements nila e parang labu-labong mga manok na nagsabong yung tunog nila. Ang creativity ay matatagpuan din sa structured music at puwede mo namang baguhin yung arrangement kung gusto mo pero at least may foundation ka na sa pag-aaral ng kanta.
Iba-iba ang tawag sa pagtugtog ng hindi gumagamit ng nota - Kapa, sipra, tinenga, oido, plakado, platito, plato, baso....ewan. Sa kalaunan, ang pinaka-importante ay kung paano ine-express ang music. Kung maganda pakinggan ang isang tugtog, hindi na importante kung ito ay binasa o tinenga.

Ang galing mo talaga idol. sa panahon ngayon napaka swerte ng mga bata. dahil marami na ang mapagkukunan ng mga repirensya para sa musika. di tulad ng panahon ko na kabataan. kailangan pang dumayo sa robinson RJ store para lang makakuha o makabili ng tab. na sya kong pilit na pinag aaralan. ngunit bigo pa rin ako. ngayon napaka rami na ng mapag kukunan ng reperensya sa pag aaral ng pag tugtog ng gitara. nandyan na ang internet. punta ka lang kay google malaki ang tsansa mo na makita ang ibat ibang teknik sa pagtugtog ng gitara. pangarap ko sa mga anak ko na matutunan nila ang pag tugtog ng gitara. lalong lalo na ang mga Original kundiman. na saring musikang pilipino. mabuhay ka kuya raff. ikaw ang idol ko.
ReplyDeleteSalamat Kerbey. Wala pang RJ store nung panahon ko at sa Raon lang may music stores noon. Anyway, ang gusto ko lang sabihin ay hindi mo na kailangang piliting matuto ang mga bata kung talagang may hilig sila. Yan ang natutunan ko nung lumalaki ang mga anak ko. Sila na ang nagkukusang mag-aral at magsikap kapag nalaman nila ang gusto nilang gawin. Regards,
DeleteI agree sa blog mo Raffy, ang importante iyong resulta sa tunog ng pagtugtug. Any resources could help to speed up the learning stage and come up with a beautiful music to listen.
ReplyDelete