Magbasa muna tayo
Nung Grade 5 kami sa Pasig Catholic College, ang music teacher namin, si Tito Morales ang nagturo sa aming bumasa ng nota. Lagi niyang bitbit ang kanyang melodion at yun ang ginagamit niya para iparinig sa amin ang tono ng bawat nota. Hinihipan niya ang melodion habang tinutugtog ito kaya medyo laging kapos ang hininga niya pag nagsasalita. Isa sa mga exams namin ay kantahin ang mga nota na nakasulat sa manila paper at dinikit sa blackboard. Excited ako kasi parang natural lang sa ken ang magbasa at kumanta. Nung araw ng exam ay dala-dalawa kaming pinatayo at pinakanta sa harapan. Sa tingin ko ay ayos naman ang pagkakakanta ko ng piyesa. Kaso nung makaupo na kami, sinabi sa ken ni Mr. Morales na hindi raw ako kumanta at yung kasama ko lang daw ang narinig niya. Halos binagsak niya ako sa exam. Laking gulat ko kasi iba and inaasahan kong marinig sa kanya. Sa totoo lang, yung kasabay ko ang hindi nagbubuka masyado ng bibig o wala sa tono kung kumanta. Naisahan ako! Sa sobrang inis ko e n...