Tuesday, September 30, 2014

Nota o Tenga?

"No tabs were used in this video" ang madalas kong mabasa sa mga ibang nagpo-post ng guitar videos nila. Naalala ko tuloy yung disclaimer na "No animals were injured during the filming of this movie". Para bang gusto nilang ipangalandakan na super galing nila at hindi nila kinailangan ng tabs para tumugtog. At para bang ang tabs o sheet music ay para lang dun sa mga hindi marunong gumawa ng sarili nilang arrangements. 

 "This piece was played by ear" ang isa pang disclaimer na nakikita ko sa mga guitar videos. Nagtataka lang ako kasi akala ko kamay at daliri ang ginagamit sa pagtugtog ng gitara at hindi tenga :-) 

Ano nga ba ang tamang paraan sa pag-aaral ng isang kanta o piyesa? 
Nota o tenga? 
Para sa akin ay pareho itong kailangan. 
Samahan mo na rin ng utak, puso, atay at balunbalunan! 

Ang pagbabasa ng nota (o tabs kung hindi ka marunong magbasa ng standard notation) ay parang pagbabasa ng libro. Ang pagsusulat ng isang arrangement ay isang paraan para makipag-communicate ang composer/arranger sa ibang musikero. Hindi ito kahinaan o kasalatan sa kaalaman kung ang isang tao ay umaasa sa pagbabasa ng nakasulat na piyesa. Kung hindi sinulat nila Bach, Weiss, Sanz, Sor, Handel, Tarrega, atbp. yung mga compositions nila, wala sana tayong tutugtuging musika mula sa Baroque, Classical at Romantic periods at lalong walang puwedeng tengahin kasi wala namang mga audio recorders noon. 

Nung hindi pa ko marunong magbasa ng nota, inaabot ako ng ilang linggo para matutunan ang isang rock o pop music. Kahit na mabuo ko ito ay marami pa rin akong mali at namimintisang mga nota. Wala akong cassette player at tapes nung 1980s kaya nakikinig lang ako sa mga pinapatugtog sa jeep at tricycle habang nakasakay ako. Pag-uwi ko sa bahay ay doon ko nire-recall yung mga maliliit na details na narinig ko. Magandang training yun pero masyadong inefficient kung gusto mong umunlad ng mas mabilis. Wala rin akong mapagtanungan noon kasi kahit yung mga matatandang musikero, hindi naman nila alam kung paano ipaliwanag yung mga techniques at theory na ginamit nila. Kung meron mang mga babasahin noon, yung mga punit-punit na Jingle ang ginagamit ko pero maraming mali sa mga chords doon. 

Ngayon, sangkaterba na ang naglipanang mga guitar forums, tutorial videos, pirated mp3s, tabs at iba pa. Lima singko na rin ang mga guitar instructors na may masters o doctorate degrees pa. Maraming mga bata ang mabilis na gumagaling dahil sa dami ng available resources sa pag-aaral. Hindi na nila kailangang maghintay na patugtugin sa radyo yung gusto nilang pag-aralan. Ilang downloads lang at nandun na yung video o music at kung sinusuwerte, merong isang mabait na kaluluwa na gumawa ng tabs nito. 

Unless na masochist ka at gusto mo talagang pahirapan ang sarili mo, bakit ka magtitiyagang kapain ang isang tugtog kung meron nang mga nag-post ng resources para mas mabilis mo itong matutunan? Isang urban myth na kinakalat ng iba ay nakakasagabal daw sa creativity kung umaasa lang sa pagbabasa ng nota. Sa totoo lang, sa sobrang creative nung mga nanghuhula sa arrangements nila e parang labu-labong mga manok na nagsabong yung tunog nila. Ang creativity ay matatagpuan din sa structured music at puwede mo namang baguhin yung arrangement kung gusto mo pero at least may foundation ka na sa pag-aaral ng kanta.

Iba-iba ang tawag sa pagtugtog ng hindi gumagamit ng nota - Kapa, sipra, tinenga, oido, plakado, platito, plato, baso....ewan. Sa kalaunan, ang pinaka-importante ay kung paano ine-express ang music. Kung maganda pakinggan ang isang tugtog, hindi na importante kung ito ay binasa o tinenga.

Monday, December 16, 2013

PHILIPPINE MEDLEY - an experience in guitar ensemble music

Lately, I took the time to record Maestro Jose Valdez' composition, Philippine Medley, which is a string of various Philippine traditional music arranged for four guitars. I considered it a pipe dream to play it the minute I saw the arrangement because not only was it long (about 20 pages), it also required advanced guitar skills. Of course there's that minor detail wherein I needed three other guitar players to play it :-) With no luck in finding others who can help, I decided to designate myself the task of playing all guitar parts. It was a herculean task and I didn't know at the time if I could finish it if I started it. When I finally recorded the first medley piece, it started a spark in me that I could not extinguish until I've completed the entire arrangement.

The first and foremost challenge for me was that ensemble music is meant to be played WITH other people. It's a social event that reinforces not just our ability to play, but our skills in taking cues from other players and feeling the music as the other players do. As it was, I played with imaginary guitarists and was primarily a slave to the mechanical beat of a metronome. Technically, I played ensemble music but I didn't play in an ensemble.

The second challenge was the fact that I had to learn all four parts and play them consistently and in-time. The only way I could manage this was to learn one medley piece at a time, while learning all four guitar parts. As I indicated earlier, I played using a metronome in order to achieve a consistent and common tempo. This made it very easy to assemble the guitar parts later on. However, if I needed to slow down or speed up certain parts, forget it. I could slow down or retard the last few bars of a particular piece but the metronome's set tempo was still ticking in my ears. Imagine trying to slow down a car while the engine is stuck revving at a high rate.

Thirdly, there are guitar techniques in this arrangement that I have seldom or never tried before. I therefore had to learn them and execute them well enough. These include not-so-often-used techniques such as tambor, snare, trombone, trumpet and pizzicato. These and the dynamics (which are absent from the written piece) are very difficult to play owing to the fact that playing a guitar part by itself sounds somewhat random and unintelligible...until of course I put all parts together. 


Lastly, I thought about the potential differences in recording quality and ambiance that would result from varied recording locations, mic placement and audio processing effects whenever I recorded each medley piece. Depending on whichever part of the house was quiet, I would record in the kitchen or upstairs in the bedroom. My audio recorder, a Tascam DR-07, suddenly quit on me in the midst of completing the last two medley pieces. I ended up using another audio recorder, a DR-40, to finish the job. These variances would have disastrous effects to a professional recording session, but in my case, the end product was all within my personal tolerance for recording quality (i.e. my bar is set quite low).

It really helped that there were already several recorded renditions of this piece. I would watch these renditions as a whole or in parts in order for me to grasp the music and how it should be played. In certain instances, in spite of the tempo being indicated in the piece, I ended up playing at a slightly faster tempo to liven up the piece and to approximate the spirit of the live version.

It took me 25 days of learning the guitar parts, recording with as much as 20 takes per guitar part and editing both audio and video in order to come up with this final version. I don't know how much time guitarists normally put into mastering each guitar part in an ensemble and how much practice time they invest in putting the parts together, but my respect goes out to those who can do this. Solo guitar playing is a real challenge, but you are mostly working with or against yourself. In an ensemble, the quality of the music depends on the group playing together as one cohesive unit. The two cannot really be compared, but it is very much advisable to try both if one wants to grow musically.


Without further ado, here's my rendition of Philippine Medley:






Saturday, August 3, 2013

ISANG BUONG MANOK

Nung mga binata pa kami, mahilig kaming magkita-kita pagkatapos sa trabaho at mag-inuman sa mga nakapaligid na karinderya sa Makati. Isang gabi lumabas kami nila Dyords at Ariel at
tulad ng nakagawian, nag-inuman kami. Nung paubos na yung pinupulutan naming mani (mga kuripot kasi kami), biglang um-order si Ariel ng "isang buong manok". Nagulat ako kasi mahal yun at baka hindi namin mabayaran. Sabi ni Ariel wag kaming mag-alala at sabay tinanong ako kung "saan ba galing ang manok?" Sabi ko "...sa itlog." Saka niya nilinaw na itlog ang ino-order niya kasi isang buong manok ang laman nun...kung napisa. Yun pala ang code word ng itlog doon sa loob ng karinderya :-)

Ang pag-aaral ng isang piyesa ay parang itlog ng manok na nililim-liman at inaasahang mapisa matapos ng 21 days (alam ko ito kasi nag-alaga kami ng mga manok noon sa gilid ng bahay namin). Depende siyempre sa ating kanya-kanyang talento, puwedeng mabilis o matagal (o habambuhay) nating inaaral ang isang piyesa kahit simple o kumplikado man ito. Mahirap man sa umpisa, dumadali ang pagtugtog ng isang piyesa kung panay nating pa-praktisin at susuriin kung paano ito matutugtog ng maayos.

Paano nga ba nagiging manok ang itlog?

1. Habang nangingitlog ang isang inahen at bago niya upuan mga ito, kain ito ng kain at nagpapataba. Kumbaga sa pag-gigitara, bago tayo sumabak sa isang piyesa, busugin muna natin ang ating kaalaman tungkol dito. Gawi ko nang i-research ang background ng composer at ng mismong composition nito. Binabasa ko muna ang piyesa bago ko ito tugtugin at inaalam ko ang mga importante at mahihirap na passages.

2. Tulad ng pagpipisa ng itlog, kapag in-abandon ng inahen ang kanyang mga itlog, nabubugok ang mga ito at hindi na nagiging sisiw. Sa pag-aaral ng gitara, huwag dali-daliang bibitawan ang piyesa kung hindi pa ito natutugtog ng maayos. Madalas kahit tapos na nating basahin at tugtugin, marami pa tayong matutunan tungkol dito, tulad ng phrasing at dynamics. Kailangang dalhin lagi sa next level ang pagtugtog, mula sa pagiging mekanikal papunta sa pagiging communicative. Tandaan na ang musika ay isang uri ng language at kailangang maintindihan ng nakikinig ang mensahe nito.

3. Kapag nagsimula nang upuan ng inahen ang kanyang mga itlog, halos hindi na ito kumakain.
Paminsan-minsan, mabilis itong nanginginain tapos babalik na kaagad para upuan ang mga itlog niya. Dito makikita na ang sakripisyo ay isa sa mga sangkap sa pag-develop ng isang bagay. Kailangan din ng dedikasyon at konting sakripisyo kung nais mong gumaling sa pagtugtog ng gitara.


4. Kung sa wakas ay napisa na ang itlog, hindi pa rin ito ang katapusan ng istorya kung hindi ito pa lamang ang simula. Mula dito sa punto na ito ay ang panay na pag-aaruga at pag-protekta hanggang ang sisiw ay maging isang manok. Ang pag-aaral ng isang piyesa ay hindi nagtatapos sa pagkabisa nito. Sa paulit-ulit kong pagtugtog ng mga kabisado kong piyesa, nakakadiskubre pa rin ako ng ibang paraang ng pag-express nito.

5. Sa katapus-tapusan at nakakalungkot mang banggitin, hindi lahat ng itlog ay nagiging sisiw.
Sa aking karanasan, isang beses ko lang nakitang napisa ang lahat ng itlog na nilimliman ng inahen namin. Sa dinami-dami ng mga inaaral natin, mangilan-ngilan lang din ang tumatanim sa isip at puso natin. Marami ang nakakalimutan pero meron ding binabalik-balikan para aralin ulit. Ang mahalaga sa pag-aaral ng gitara ay meron kang mga ilang piyesa na kaya mong tugtugin sa mga biglaang sitwasyon.

Sa bandang huli, nasa sa iyo kung ang ano ang iyong turing sa piyesang inaaral mo.

Itlog ba o isa nang buong manok?

Saturday, July 27, 2013

WALANG SAKIT

"Magaling ka bro!"

"O talaga? Salamat."

"Oo, magaling ka kasi wala kang sakit (sabay ilag)."


Karaniwang nakaka-insulto ang ganitong biro pero may katotohanan ito kung pag-iisipang mabuti. Bakit ko nasabi ito? Para sa akin, ang pag-aaral ng gitara ay parang pag-gamot sa sari-saring sakit. Kung magagamot natin ang mga sakit na humahadlang sa paglago ng ating kakayahan, gagaling tayo at masasabing "Magaling ka!" Mahalaga din sa akin na alamin ko kung tinatamaan ako ng sakit habang nagpa-praktis ako para magamot ko ito kaagad.

Ano naman ang ilan sa mga sakit na ito? Isa-isahin natin.

1. Unang sakit na dapat gamutin ay kawalan ng oras sa pag-ensayo. Dahil sa dami ng iniisip o inaasikaso sa buhay, hindi mabigyan ng panahon ang pag-praktis o pag-aaral ng gitara. Dapat  nating isaayos ang priorities at schedule natin para makapaglaan ng kahit 30 to 45 minutes sa isang araw sa pag-aaral ng gitara. Ginagawa ko itong pampagising sa umaga o kaya ay stress relieving activity pagkagaling sa trabaho sa hapon.

2. Isa pang malalang sakit ay ang pagkumpara ng sarili sa ibang gitarista. Kanya-kanya tayo ng kakayahan at kailangan lang na pagkumparahan ay ang iyong sarili. Magandang gawing inspirasyon ang mga magagaling na gitarista. Pero ang tunay na sukatan ay kung mas magaling kang mag-gitara ngayong araw na ito kesa kahapon. Ito ay senyales na umuunlad ka nga. Sapat na yon.

3. Paminsan-minsan meron ding mga tinatamaan ng sobrang pagka-bilib sa sarili. Lalo kang hindi gagaling kung sarado ang utak mo at akala mo wala ka nang dapat matutunan. Lahat tayo ay puwedeng matuto sa isa't isa. Kahit mas magaling ka pa sa kausap mo, meron pa rin siyang alam na hindi mo alam.

4. Sa kabilang dako naman, mahirap din yung insecure o walang tiwala sa sarili. Ang confidence sa sarili ay kailangang tama lang para makatugtog ng maayos at maging open-minded sa pag-aaral ng bagong technique at piyesa. Huwag matakot na sumubok paminsan-minsan ng piyesa na medyo mahirap para masukat mo kung handa ka nang itaas ang level ng pagtugtog mo.

5. Ang madalas ko ring mapansin na sakit ay ang hindi makali at paiba-iba ang sinusubukang tugtugin. Kailangan mag-concentrate at pumirmi sa isang pinag-aaralan para makabuo ng isang tugtog na masasabing pinaghirapan mo.

6. Meron ding mga makakalimutin. Kapag natapos nang pag-aralan ang piyesa, kinakalimutan na lahat ng natutunan. Hindi ko sinasabing kabisaduhin ang lahat ng piyesang natugtog sa halip ay tandaan ang mga lessons at experiences na nasagap habang pinag-aaralan ang piyesa.

7. Isa pang sakit na dapat gamutin ay ang ugaling "puwede na yan" o "bahala na". Mapapansin mo ito sa pagtugtog ng ibang gitarista na parang kinaladkad lang sa kalye ang pagtugtog ng piyesa. Ang pagtugtog ng musika, lalo na't classical guitar, ay napaka-precise at may mga disiplinang sinusunod para makatugtog ng maayos. Kahit gaano ka-simple lang ang piyesang pinag-aaralan, dapat pag-ukulan ng sapat na atensyon at gawing opportunity para mag-advance ang skills.

8. May napapansin din akong sakit sa ibang gitarista na masyadong obsessed sa technique at nakakalimutang ang technique ay tool lamang para gumawa ng musika. Kahit ikaw pa ang pinakamabilis na mag-scales at mag-arpeggio, o kaya ikaw ang pinakamatinding mag-rest stroke o mag-tremolo, kung ginagamit mo lang ito para magpasikat imbes na magpahayag ng emotions, wala kang mararating sa larangan ng musika. 

Mahirap mang tanggapin ang mga sinabi ko, kahit ako ay tinatamaan din ng mga ito.
Sana ay may magic pill na maiinom para magamot ang mga sakit na nabanggit ko. 
Sana ay may malalapitan tayong albularyo na makakagamot sa pamamagitan ng mga dahon, kandila, langis at dasal.
Pero ang pinaka-mabisang gamot pa rin ay ang self-awareness at perseverance na ma-overcome ang mga balakid sa pag-unlad.

Kaya sa susunod na may bumati sa yo ng,

"Ang galing mo bro!"

Unahan mo na at sabihing,

"Kasi wala akong sakit."









Friday, July 19, 2013

Guitar lason...lesson

Sa kasalukuyan meron akong 15 video tutorials ng complete pieces at isang tutorial sa pagbabasa ng tabs. Bilang katunayan ay eto ang link sa playlist na ginawa ko ==> Pasigenyo's Guitar Video Tutorials

Bakit ko nga ba ginagawa ito? Sa totoo lang, hindi ko alam. 

Kung tutuusin, mas maraming dahilan para huwag ko itong gawin.
  • Una sa lahat, napakahirap at napakatagal gawin.
  • Pangalawa, wala naman yatang nagtitiyagang panoorin ito. Oo nga may nagpapasalamat, pero hindi ibig sabihin na pinanood nila ito.
  • Pangatlo, kung meron mang manood, kailangan itong panoorin sa hi-def mode para makita ang lahat ng detalye. Pero karamihan sa mga nanonood ay walang sapat na bandwidth ang internet connection nila.
  • At pang-apat, wala naman akong kinikita dito. Baka ako pa ang magbayad at magmakaawa para lang panoorin ang mga ito.
Ang pag-gawa ng video tutorials ay hindi biro. Mabuti na lang at marami ang nag-a-appreciate ng pinaghirapan ko. Pero siyempre hindi pa rin mawawala ang mga pala-angal....na akala mo e nag-donate ng bayong-bayong na pera.

Mga halimbawa ng nakakagulat at nakaka-aliw na komentaryo (take note na pinapanood nila diumano ang video tutorial habang nagco-comment sila). 
  • "gusto ko yung tutorial, hindi isang show. please naman oh," - Ano yun Eat Bulaga? Ni hindi man lang pinanood yung video bago magsalita.
  • "san po mkuha ang tabs nian kuya ?" - isa pa ito, humihingi ng tabs e nandun na nga sa video yung tabs
  • "pahinge po tabs ksi msyado pong malabo eh.. " -  naka-set siguro sa 240 ang resolution ng YT player niya o kaya magsalamin siya.
  • "Master ano po tuning n2? " - Ngeeek! Nandun sa video ang tuning information kung pinanood lang niya sana!
  • "...gus2 ku sana pag aralan di ko maidownload 2ng vid mo. pede enge ibang link?. thnx :))" - ah ewan.

Minsan tuloy may isang commenter na hindi nakapag-pigil at pinagtanggol na ako - "kayo na ngalang binibigyan ng tabs kayo pa nag rereklamo ..". Biruin niyo nga naman isinusubo ko na nga ang pagkain, gusto pa yata e ako pa ang humawak ng bibig nila para ngumuya at lumunok!

Mula ng simulan ko ang pag-gawa ng tutorials, bawat post ko ng bagong video ay nire-request-an kaagad ako ng tutorial. Dahil siguro sa libre, akala ng iba eh parang kasing-dali lang ng pagpi-prito ng itlog and pag-gawa ng video tutorial. May ilan na mga nangungulit sa ken na gumawa ng tutorials...urgent at important daw. Halos hindi ako tigilan at galit pa. Pero nung ginawa ko na yung tutorial eh naglahong parang bula. Hindi pala kayang tugtugin. Parang ipis na kumaripas ng takbo at nagtago nang binuksan ang ilaw!

Alam niyo ba?
  • Hindi ko hilig magbasa ng tabs, sa halip ay standard notation ang binabasa ko. Very limited ang ability ng tabs na mag-convey ng lahat ng musical information kaya ko sinasabayan ng  video demonstration. Favor lang itong ginagawa ko para sa mga baguhan at gustong matuto.
  • Pinag-iisipan ko muna kung paano hahatiin ang isang piyesa into logical parts para effective ang pagtuturo
  • Ine-edit ko ang tabs at kino-correct ko kung may mali. Ina-adjust ko ang fingerings kung binago ko ito. Mano-mano lahat ito at inaabot ako ng ilang araw.
  • Nire-record ko muna ang buong piyesa para may basehan ang tutorial. Mga 10 to 15 takes lang naman.
  • Iniisa-isa kong i-record ang bawat section ng tutorial at inaabot ako ng mga 3 takes bawat isa.
  • Mahirap magsalita at magpaliwanag ng fingerings habang ine-execute ko ito...subukan niyo minsan. 
  • Mahirap magsalita ng walang kausap. Para akong nasisiraan ng bait kasi nakikipag-usap ako sa dingding.
  • Inaabot ako ng 4 hours sa pag-edit at pagbuo ng video.
  • Since 15 to 20 minutes ang running time ng isang tutorial, halos magdamag inaabot para i-render ito sa MP4...madalas natutulog ako sa harap ng computer
  • Inaabot ng isang oras para i-upload sa YT dahil sa laki ng video file.
  • Hindi ako makapag-praktis o makapag-aral ng bagong piyesa kung gumagawa ako ng tutorial video.
So sana bago mag-request ng tutorial, isipin muna na isang balde ng pawis at dugo ang kinakailangan para makabuo ng isa.

Pero despite lahat ng binanggit ko sa itaas, malaking consuelo sa akin na malamang may nakikinabang at natututo sa mga itinuturo ko dahil napapalawig natin ang interes sa sariling musika natin :-)

Peace, out.



Pengeng Tabs

Iba-iba ang nasasagap kong reaksyon sa mga guitar videos ko sa YT. Karamihan ay magaganda at nagpapahayag ng suporta, at merong mangilan-ngilan na binabato ako. Pero ang pinaka-paborito kong mga comments ay yung mga nanghihingi ng tabs.

Hindi ko naman minamasama ang mga ito at sa halip ay nakakatuwa at madalas na nakakatawa kung paano manghingi ng tabs ang mga nakakapanood ng videos ko. Iba-iba ang style at iba-iba rin ang mga binibigay na dahilan. Merong gagamitin daw sa libing, sa pagharana ng babae, wedding anniversary, school project, nawala daw yung kopya nila o kaya para sa nanay o parents daw nila. Hindi maubos ang palusot, este pagiging creative nila :-). Merong iba kina-career ang paghingi ng tabs kasi nakikita ko na nanghihingi sila ng tabs sa iba't-ibang gitarista sa YT. Yung iba naman kung manghingi sa ken e para bang may utang ako sa kanila at nagde-demand na padala ko kaagad :-) Merong nambobola muna na magaling daw ako (kuno), tapos sabay hirit ng "pengeng tabs". Marami din naman ang magalang at nagtatanong lang kung saan sila makakakuha ng kopya ng sheet music ko. 

Karaniwan ay hindi ko sinasagot ang mga ito para maiwasan ang mahabang discussion tungkol sa subject ng copyright. Ayoko rin namang mapagbintangan na pinagkakakitaan ko sila dahil hindi naman ako ang nagbebenta ng mga sheet music na ginagamit ko sa pagtugtog.  Pero kung talagang makulit sila e binibigay ko ang email ng publisher at bahala na silang makipag-usap sa kanya. 

Ilan lang ito sa mga nakolekta kong mga comments. 

"Sir ang galing niyo idol! Pengeng tabs"
"GALINGG IDOL . sir pede makahingi tabs"
"Tabs please...."
"naalala ko tuloy ung dating girfrien ko....hehehe...penge naman po ng tab nito...."
"master! galing, pwede maka enge ng tabs... please I want to play it to my crush kung okay lang hehehe"
"sana na malaman ang tabs ng song para ma harana ko ang nanay ko.."
"pde pong phingi ng chords ska ng plucking pattern? tnx :))"
"kuya...penge po ako ng tabs nyan.... :) para madali na lang po sakin.... tnx po"
"can i hav a copy of d tab?"
"kuya hingi po tab nito please..gusto ko matutunan to...inspire lang..please please please po"
"pa send po ng tabs bruto.bernardo@yahoo.com tnx po"
"pa enge po tabs kuya"
"kua baka pdeng mahingi yung tabs mo pls :))"
"sir bka naman p0h pde mhingi tab nyan, gz2 q p0h tlga m22nan yan. tnx p0h, gling nyo tlga"
"wow! nice :) i wish may tabs ako nito"
"pa enge po ng komplete tabs.. hehe"
"Sir favorite ng tatay at nanay ko 'to sana po may tabs para mapag-aralan ko at matugtog ko sa parents ko"
"Sir, padala niyo ako ng tabs sa email@email.com"
"tabs pls i really need it pls ^^"
"SIR TABS PO GUSTO KO PO MA22NAN YAN"
"chords/tabs sir"
"may tabs?"
"Sir Raffy ok lang po ba na pa send ng tabs ng version nyo po? paulo_laudato@yahoo.com "
"pahinge po tabs ksi ko msyado pong malabo eh.. pasend po dto audry.sumera@yahoo.com thanks"
"Would it be possible to send me tabs of some pieces you have."
"great arrangement.. can i have some tabs?"
"chords please.."
"nice playing, i like to learn this song... tablature from your version would be nice :)"
"hey do u have guitar tabs for the maglalatik song? i need it as soon as possible if u have any thanks"
"bro. good day! I need the piece Aking Bituin (o ilaw), i lost it kasi. "
"can someone send me the tab of this song? please"
"tabs plss"
"Sir ask ko lang po sainyo kung pwede humingi ng tabs. Medyo kinahiligan ko narin kasing tumugtog ng gitara. "
"Do you have tabs for this song? I would love to learn it...even though it would take me at least a year to learn = ). "
"pde mo po bang ilgay ang link kung san mkakkita ng tabs nito ??? reply sana po kgad tnx!"
"Kuya Raffy May i request for music sheet? "
"Sir lupet nyo po talaga. Gusto ko po ito. Baka po pwedeng makahingi ng tab nito. Sige na po sir. I just want to surprise my wife. Gusto ko pong matutunan to sa lalong madaling panahon malapit na po kasi anniversary namin."

Thursday, April 4, 2013

Philippine Guitar Music CD

Raffy's classical guitar renditions are now available on CD. 




Please consider your purchase, if you decide to do so, a donation to furthering the work I have started. God bless!

Only PayPal payments are accepted.
I can only ship within the US. If you are living outside the US and are interested to purchase, please contact me via email @  RAFFYLATA101@GMAIL.COM


 Philippine Guitar Music Vol. 1

1. Maalaala Mo Kaya
2. Saan Ka Man Naroroon
3. Sa Ugoy Ng Duyan
4. Gaano Kita Kamahal
5. Dahil Sa Isang Bulaklak
6. Minamahal Kita
7. Matud Nila
8. Diyos Lamang Ang Nakakaalam

Philippine Guitar Music Vol. 1 CD - $8.00 with free shipping




 Philippine Guitar Music Vol. 2

1. Rosas Pandan
2. Sa Libis Ng Nayon
3. Ang Dalagang Pilipina
4. Sa Kabukiran
5. Kuratsa Boholana
6. Pobreng Alindahaw
7. Lawiswis Kawayan
8. Bulung-Bulungan
Philippine Guitar Music Vol. 2 CD - $8.00 with free shipping



 Philippine Guitar Music Vol. 3

1. Ikaw
2. Cadena De Amor
3. Balud
4. Bakit Kita Inibig
5. Alang-alang Sa Yo
6. Dinggin
7. Himutok
8. Hirap Ng Umibig

Philippine Guitar Music Vol. 3 CD - $8.00 with free shipping



 Philippine Guitar Music Vol. 4

1. Usahay
2. Pakiusap
3. Buhat
4. Dahil Sa Yo
5. Nasaan Ka Irog
6. Ang Pag-ibig Ko'y Ingatan Mo
7. Hatinggabi
8. Sapagkat Kami Ay Tao Lamang

Philippine Guitar Music Vol. 4 CD - $8.00 with free shipping


 Philippine Guitar Music Vol. 5

1. Lumang Simboryo
2. Magandang Diwata
3. Maharlika
4. Maria Clara
5. Recuerdos De Manila
6. Patnubay
7. Ako'y Ibong Sawi
8. Binibiro Lamang Kita 
Philippine Guitar Music Vol. 5 CD - $8.00 with free shipping




 Philippine Guitar Music Vol. 6

1. Doon Po Sa Amin
2. Tunay Na Tunay
3. Sa Lumang Simbahan
4. Aawitan Kita
5. Kundiman 1800
6. Ikaw Lamang
7. Luha Sa Kalipay
8. Ikaw
Philippine Guitar Music Vol. 6 CD - $8.00 with free shipping




 Original Pilipino Music 
 (Jose Mari Chan collection)

1. Please Be Careful With My Heart
2. Beautiful Girl
3. AfterGlow
4. Deep In My Heart
5. Can We Just Stop And Talk A While
6. A Love To Last A Lifetime
7. Refrain
8. Christmas In Our Hearts
9. A Perfect Christmas
Original Pilipino Music - Jose Mari Chan Collection  CD - $8.00 with free shipping



 Original Pilipino Music Vol. 1

1. Anak
2. Panunumpa
3. Bituing Walang Ningning
4. Be My Lady
5. Bukas Na Lang Kita Mamahalin
6. Ikaw Lang Ang Mamahalin
7. Ikaw
8. Kastilyong Buhangin
Original Pilipino Music Vol. 1 CD - $8.00 with free shipping




 Original Pilipino Music 
  Volume 2

1. Never Say Goodbye
2. Sorry Na Puwede Ba
3. Hindi Kita Malilimutan
4. Kaibigan
5. Ikaw Ang Lahat Sa Akin
6. Anima Christi
7. Lift Up Your Hands
8. Sana'y Wala Nang Wakas
Original Pilipino Music Vol. 2  CD - $8.00 with free shipping



 Original Pilipino Music 
  Volume 3

1. Forevermore
2. Bato Sa Buhangin
3. Kahit Isang Saglit
4. Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
5. Ngayon At Kailanman
6. Miss Kita Kung Christmas
7. One More Gift
8. Tanging Yaman
Original Pilipino Music Vol. 3  CD - $8.00 with free shipping