Praktis Lang


“Kung ano ang tinanim siya rin ang aanihin.” Isang kasabihan na walang kasing-totoo. Kumbaga sa pagtugtog ng gitara, kung hindi ka nagpa-praktis, wala kang matutugtog.

Lahat tayo ay busy sa kanya-kanyang buhay at kakaunti lang ang oras para sa extra-curricular activities or personal hobbies natin. Kung isang oras lang sa isang araw ang mailalaan mo sa hobby mo, paano mo malulubos ang oras na yon para umusad ang iyong kaalaman?

Sa pag-aaral ng gitara, uubusin mo ba ang konti mong oras sa pagtugtog ng mga piyesa o gagamitin mo ba ito sa pag-praktis ng mga scales, arpeggios at iba pang techniques or methods? Bago mo pa man sagutin ang mga tanong na yan, ang una mo dapat na alamin ay ano ba ang mga goals mo? Kung gusto mong makarami ng piyesa ay sige at tumugtog ka ng iba-ibang areglo o piyesa. Kung gusto mong i-reinforce ang mga foundational skills mo, mas magandang i-focus ang oras sa pag-aaral ng techniques and methods. Dapat alam mo ang gusto mong maabot para mai-layout mo ang landas na makaka-achieve sa iyong goals. Hindi kailangang napaka-taas ng iyong goals dahil ito naman ang magiging source ng frustration.

Anu-ano ang mga pangkaraniwang napapag-usapan tungkol sa topic ng praktis? Isa-isahin natin.

“Wala akong oras mag-praktis”.

Actually meron. Kung titingnan mong maigi ang iyong daily routines, madidiskubre mong meron kang oras na mailalaan sa pag-praktis. Hindi ibig sabihin na hindi ka na kakain, matutulog or makikisalamuha sa pamilya mo. Kung titingnan mo ang oras na ginugugol mo sa internet, cellphone , TV at iba pang leisure activities, makikita mong meron ka palang puwedeng i-give up na hindi magsa-suffer ang mahahalagang activities sa buhay mo. Ang totoong kalaban natin sa pag-praktis ay ang katamaran o kawalan ng gana, hindi ang kawalan ng oras.

“Praktis ako ng praktis, hindi naman ako gumagaling!!!”.

Diyan ka nagkakamali. Ang una kong reaction diyan ay kung hindi ka nagpa-praktis,  yung kakaunti mong alam e mawawala pa. Hindi mo napapansin siguro pero habang regular ang praktis mo,  umuusad ang kaalaman at galing mo. Dapat mong alamin kung ano sa praktis regimen mo ang dapat mong baguhin para umusad ka ng mas mabilis. Unless na may teacher ka, ikaw mismo ang dapat umalam kung bakit hindi mo makuha ang isang scale or position change. Sipag at tiyaga ang kailangan.

“Mali kasi ang pina-praktis ko kaya hindi ako gumagaling“

Sa unang tingin ay parang totoo nga, pero hindi. Kung pumapasok sa isip mo ito, ibig sabihin ay nagiging aware ka na may dapat kang ayusin o baguhin. Mas masama kung hindi mo ito naiisip kasi nawawalan ka na ng direksiyon pero sige ka pa rin ng sige. Hindi ka man gumagaling sa technique, gumagaling naman ang analytic ability mo.

“Walang magturo sa ken”

Totoo pero hindi lagi. Sa dami ng resources na available ngayon – sa internet at sa library – mahirap isipin na walang makakapagturo sa iyo. Maghanap ka lang at makakakita ka rin ng makakatulong sa yo.

Ang pag-praktis ay isa lang sa mga kagamitan sa pag-aaral ng gitara. Alam mo bang puwede mong iukol ang praktis time sa hindi paghawak ng gitara?  Ilaan mo ang oras sa pagbabasa ng mga iba-ibang guitar literature, biographies ng mga composers, backgrounds ng mga piyesa at mga nakaka-inspire na kasulatan, panonood ng videos ng ibang gitarista at higit sa lahat, mag-aral kang magbasa ng nota. Makinig ka rin ng mga iba-ibang instrumento at music genre. Dapat gamitin mo lahat ng senses mo para maging well-rounded musician ka. Saka mo lang masasabing ikaw ay isang ganap na musikero.

Comments

  1. ang galing nyo po Sir, pinapanood ko mga vids mo sa YT..mga classical guitar renditions mo..,,idol..
    ..marami akong natutunan sa blog mo.. :)

    ReplyDelete
  2. pards paano ka ba ma-contact :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung based ka sa northern California I can provide my contact info. Let me know. Thanks.

      Delete
  3. Halos sinubukan ko lahat ng klase ng genre sa sobrang dami tinamad ako pero nung nagawi ako sa YT channel you sir ngayon alam ko na kung anung yung gusto kong ipursue at pagaralang maigi. :) salamat po sir ng marami nakakainpire yung mga tugtugin nyo :)

    ReplyDelete
  4. Maraming salamat sa mga kundiman tutorials mo sir Raffy, natutugtog ko na ang "Sampaguita, Dahil sa iyo at Dahil sa isang bulaklak", ngayon nasa kalagitnaan na ako sa pag-aaral ng piyesang "Gaano ko ikaw kamahal", saludo kami sa iyong sipag, tiyaga at ang pagbibigay mo ng mga mahahalagang kaalaman at impormasyon. Pagpalain pa po kayo lalo ng Diyos sampo ng inyong pamilya. - vergix

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Philippine Guitar Music CD

Kuko Ko

Pengeng Tabs