Pengeng Tabs

Iba-iba ang nasasagap kong reaksyon sa mga guitar videos ko sa YT. Karamihan ay magaganda at nagpapahayag ng suporta, at merong mangilan-ngilan na binabato ako. Pero ang pinaka-paborito kong mga comments ay yung mga nanghihingi ng tabs.

Hindi ko naman minamasama ang mga ito at sa halip ay nakakatuwa at madalas na nakakatawa kung paano manghingi ng tabs ang mga nakakapanood ng videos ko. Iba-iba ang style at iba-iba rin ang mga binibigay na dahilan. Merong gagamitin daw sa libing, sa pagharana ng babae, wedding anniversary, school project, nawala daw yung kopya nila o kaya para sa nanay o parents daw nila. Hindi maubos ang palusot, este pagiging creative nila :-). Merong iba kina-career ang paghingi ng tabs kasi nakikita ko na nanghihingi sila ng tabs sa iba't-ibang gitarista sa YT. Yung iba naman kung manghingi sa ken e para bang may utang ako sa kanila at nagde-demand na padala ko kaagad :-) Merong nambobola muna na magaling daw ako (kuno), tapos sabay hirit ng "pengeng tabs". Marami din naman ang magalang at nagtatanong lang kung saan sila makakakuha ng kopya ng sheet music ko. 

Karaniwan ay hindi ko sinasagot ang mga ito para maiwasan ang mahabang discussion tungkol sa subject ng copyright. Ayoko rin namang mapagbintangan na pinagkakakitaan ko sila dahil hindi naman ako ang nagbebenta ng mga sheet music na ginagamit ko sa pagtugtog.  Pero kung talagang makulit sila e binibigay ko ang email ng publisher at bahala na silang makipag-usap sa kanya. 

Ilan lang ito sa mga nakolekta kong mga comments. 

"Sir ang galing niyo idol! Pengeng tabs"
"GALINGG IDOL . sir pede makahingi tabs"
"Tabs please...."
"naalala ko tuloy ung dating girfrien ko....hehehe...penge naman po ng tab nito...."
"master! galing, pwede maka enge ng tabs... please I want to play it to my crush kung okay lang hehehe"
"sana na malaman ang tabs ng song para ma harana ko ang nanay ko.."
"pde pong phingi ng chords ska ng plucking pattern? tnx :))"
"kuya...penge po ako ng tabs nyan.... :) para madali na lang po sakin.... tnx po"
"can i hav a copy of d tab?"
"kuya hingi po tab nito please..gusto ko matutunan to...inspire lang..please please please po"
"pa send po ng tabs bruto.bernardo@yahoo.com tnx po"
"pa enge po tabs kuya"
"kua baka pdeng mahingi yung tabs mo pls :))"
"sir bka naman p0h pde mhingi tab nyan, gz2 q p0h tlga m22nan yan. tnx p0h, gling nyo tlga"
"wow! nice :) i wish may tabs ako nito"
"pa enge po ng komplete tabs.. hehe"
"Sir favorite ng tatay at nanay ko 'to sana po may tabs para mapag-aralan ko at matugtog ko sa parents ko"
"Sir, padala niyo ako ng tabs sa email@email.com"
"tabs pls i really need it pls ^^"
"SIR TABS PO GUSTO KO PO MA22NAN YAN"
"chords/tabs sir"
"may tabs?"
"Sir Raffy ok lang po ba na pa send ng tabs ng version nyo po? paulo_laudato@yahoo.com "
"pahinge po tabs ksi ko msyado pong malabo eh.. pasend po dto audry.sumera@yahoo.com thanks"
"Would it be possible to send me tabs of some pieces you have."
"great arrangement.. can i have some tabs?"
"chords please.."
"nice playing, i like to learn this song... tablature from your version would be nice :)"
"hey do u have guitar tabs for the maglalatik song? i need it as soon as possible if u have any thanks"
"bro. good day! I need the piece Aking Bituin (o ilaw), i lost it kasi. "
"can someone send me the tab of this song? please"
"tabs plss"
"Sir ask ko lang po sainyo kung pwede humingi ng tabs. Medyo kinahiligan ko narin kasing tumugtog ng gitara. "
"Do you have tabs for this song? I would love to learn it...even though it would take me at least a year to learn = ). "
"pde mo po bang ilgay ang link kung san mkakkita ng tabs nito ??? reply sana po kgad tnx!"
"Kuya Raffy May i request for music sheet? "
"Sir lupet nyo po talaga. Gusto ko po ito. Baka po pwedeng makahingi ng tab nito. Sige na po sir. I just want to surprise my wife. Gusto ko pong matutunan to sa lalong madaling panahon malapit na po kasi anniversary namin."

Comments

  1. Replies
    1. Maraming salamat sa mga video tutorial...
      May God bless you para wala kang sakit at lagi kang magaling... :) Penge ng tabs ha...

      Delete
  2. Penge pong tabs sa sarung banggi

    ReplyDelete
  3. Non si riesce a comprare gli spartiti. Cosa fare?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Comprarlo direttamente dall'editore, Albert Sison. Può essere raggiunto attraverso il suo indirizzo di posta elettronica a fauthfulservant28@gmail.com o albertsison28@gmail.com

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Philippine Guitar Music CD

Kuko Ko