WALANG SAKIT
"Magaling ka bro!" "O talaga? Salamat." "Oo, magaling ka kasi wala kang sakit (sabay ilag)." Karaniwang nakaka-insulto ang ganitong biro pero may katotohanan ito kung pag-iisipang mabuti. Bakit ko nasabi ito? Para sa akin, ang pag-aaral ng gitara ay parang pag-gamot sa sari-saring sakit. Kung magagamot natin ang mga sakit na humahadlang sa paglago ng ating kakayahan, gagaling tayo at masasabing "Magaling ka!" Mahalaga din sa akin na alamin ko kung tinatamaan ako ng sakit habang nagpa-praktis ako para magamot ko ito kaagad. Ano naman ang ilan sa mga sakit na ito? Isa-isahin natin. 1. Unang sakit na dapat gamutin ay kawalan ng oras sa pag-ensayo. Dahil sa dami ng iniisip o inaasikaso sa buhay, hindi mabigyan ng panahon ang pag-praktis o pag-aaral ng gitara. Dapat nating isaayos ang priorities at schedule natin para makapaglaan ng kahit 30 to 45 minutes sa isang araw sa pag-aaral ng gitara. Ginagawa ko itong pampagising sa umaga o kay...