Guitar lason...lesson
Sa kasalukuyan meron akong 15 video tutorials ng complete pieces at isang tutorial sa pagbabasa ng tabs. Bilang katunayan ay eto ang link sa playlist na ginawa ko ==> Pasigenyo's Guitar Video Tutorials
Bakit ko nga ba ginagawa ito? Sa totoo lang, hindi ko alam.
Kung tutuusin, mas maraming dahilan para huwag ko itong gawin.
Mga halimbawa ng nakakagulat at nakaka-aliw na komentaryo (take note na pinapanood nila diumano ang video tutorial habang nagco-comment sila).
Minsan tuloy may isang commenter na hindi nakapag-pigil at pinagtanggol na ako - "kayo na ngalang binibigyan ng tabs kayo pa nag rereklamo ..". Biruin niyo nga naman isinusubo ko na nga ang pagkain, gusto pa yata e ako pa ang humawak ng bibig nila para ngumuya at lumunok!
Mula ng simulan ko ang pag-gawa ng tutorials, bawat post ko ng bagong video ay nire-request-an kaagad ako ng tutorial. Dahil siguro sa libre, akala ng iba eh parang kasing-dali lang ng pagpi-prito ng itlog and pag-gawa ng video tutorial. May ilan na mga nangungulit sa ken na gumawa ng tutorials...urgent at important daw. Halos hindi ako tigilan at galit pa. Pero nung ginawa ko na yung tutorial eh naglahong parang bula. Hindi pala kayang tugtugin. Parang ipis na kumaripas ng takbo at nagtago nang binuksan ang ilaw!
Alam niyo ba?
Pero despite lahat ng binanggit ko sa itaas, malaking consuelo sa akin na malamang may nakikinabang at natututo sa mga itinuturo ko dahil napapalawig natin ang interes sa sariling musika natin :-)
Peace, out.
Bakit ko nga ba ginagawa ito? Sa totoo lang, hindi ko alam.
Kung tutuusin, mas maraming dahilan para huwag ko itong gawin.
- Una sa lahat, napakahirap at napakatagal gawin.
- Pangalawa, wala naman yatang nagtitiyagang panoorin ito. Oo nga may nagpapasalamat, pero hindi ibig sabihin na pinanood nila ito.
- Pangatlo, kung meron mang manood, kailangan itong panoorin sa hi-def mode para makita ang lahat ng detalye. Pero karamihan sa mga nanonood ay walang sapat na bandwidth ang internet connection nila.
- At pang-apat, wala naman akong kinikita dito. Baka ako pa ang magbayad at magmakaawa para lang panoorin ang mga ito.
Mga halimbawa ng nakakagulat at nakaka-aliw na komentaryo (take note na pinapanood nila diumano ang video tutorial habang nagco-comment sila).
- "gusto ko yung tutorial, hindi isang show. please naman oh," - Ano yun Eat Bulaga? Ni hindi man lang pinanood yung video bago magsalita.
- "san po mkuha ang tabs nian kuya ?" - isa pa ito, humihingi ng tabs e nandun na nga sa video yung tabs
- "pahinge po tabs ksi msyado pong malabo eh.. " - naka-set siguro sa 240 ang resolution ng YT player niya o kaya magsalamin siya.
- "Master ano po tuning n2? " - Ngeeek! Nandun sa video ang tuning information kung pinanood lang niya sana!
- "...gus2 ku sana pag aralan di ko maidownload 2ng vid mo. pede enge ibang link?. thnx :))" - ah ewan.
Minsan tuloy may isang commenter na hindi nakapag-pigil at pinagtanggol na ako - "kayo na ngalang binibigyan ng tabs kayo pa nag rereklamo ..". Biruin niyo nga naman isinusubo ko na nga ang pagkain, gusto pa yata e ako pa ang humawak ng bibig nila para ngumuya at lumunok!
Mula ng simulan ko ang pag-gawa ng tutorials, bawat post ko ng bagong video ay nire-request-an kaagad ako ng tutorial. Dahil siguro sa libre, akala ng iba eh parang kasing-dali lang ng pagpi-prito ng itlog and pag-gawa ng video tutorial. May ilan na mga nangungulit sa ken na gumawa ng tutorials...urgent at important daw. Halos hindi ako tigilan at galit pa. Pero nung ginawa ko na yung tutorial eh naglahong parang bula. Hindi pala kayang tugtugin. Parang ipis na kumaripas ng takbo at nagtago nang binuksan ang ilaw!
Alam niyo ba?
- Hindi ko hilig magbasa ng tabs, sa halip ay standard notation ang binabasa ko. Very limited ang ability ng tabs na mag-convey ng lahat ng musical information kaya ko sinasabayan ng video demonstration. Favor lang itong ginagawa ko para sa mga baguhan at gustong matuto.
- Pinag-iisipan ko muna kung paano hahatiin ang isang piyesa into logical parts para effective ang pagtuturo
- Ine-edit ko ang tabs at kino-correct ko kung may mali. Ina-adjust ko ang fingerings kung binago ko ito. Mano-mano lahat ito at inaabot ako ng ilang araw.
- Nire-record ko muna ang buong piyesa para may basehan ang tutorial. Mga 10 to 15 takes lang naman.
- Iniisa-isa kong i-record ang bawat section ng tutorial at inaabot ako ng mga 3 takes bawat isa.
- Mahirap magsalita at magpaliwanag ng fingerings habang ine-execute ko ito...subukan niyo minsan.
- Mahirap magsalita ng walang kausap. Para akong nasisiraan ng bait kasi nakikipag-usap ako sa dingding.
- Inaabot ako ng 4 hours sa pag-edit at pagbuo ng video.
- Since 15 to 20 minutes ang running time ng isang tutorial, halos magdamag inaabot para i-render ito sa MP4...madalas natutulog ako sa harap ng computer
- Inaabot ng isang oras para i-upload sa YT dahil sa laki ng video file.
- Hindi ako makapag-praktis o makapag-aral ng bagong piyesa kung gumagawa ako ng tutorial video.
Pero despite lahat ng binanggit ko sa itaas, malaking consuelo sa akin na malamang may nakikinabang at natututo sa mga itinuturo ko dahil napapalawig natin ang interes sa sariling musika natin :-)
Peace, out.
. . .thanks sir raffy, dami ko pong natutunan sa blog nu...matagal na po akong nag gigitara..high school pa lng..pero...now ko lng nalaman na ang dami ko pa palang dapat malaman...
ReplyDelete