WALANG SAKIT
"Magaling ka bro!"
"O talaga? Salamat."
"Oo, magaling ka kasi wala kang sakit (sabay ilag)."
Karaniwang nakaka-insulto ang ganitong biro pero may katotohanan ito kung pag-iisipang mabuti. Bakit ko nasabi ito? Para sa akin, ang pag-aaral ng gitara ay parang pag-gamot sa sari-saring sakit. Kung magagamot natin ang mga sakit na humahadlang sa paglago ng ating kakayahan, gagaling tayo at masasabing "Magaling ka!" Mahalaga din sa akin na alamin ko kung tinatamaan ako ng sakit habang nagpa-praktis ako para magamot ko ito kaagad.
Ano naman ang ilan sa mga sakit na ito? Isa-isahin natin.
1. Unang sakit na dapat gamutin ay kawalan ng oras sa pag-ensayo. Dahil sa dami ng iniisip o inaasikaso sa buhay, hindi mabigyan ng panahon ang pag-praktis o pag-aaral ng gitara. Dapat nating isaayos ang priorities at schedule natin para makapaglaan ng kahit 30 to 45 minutes sa isang araw sa pag-aaral ng gitara. Ginagawa ko itong pampagising sa umaga o kaya ay stress relieving activity pagkagaling sa trabaho sa hapon.
2. Isa pang malalang sakit ay ang pagkumpara ng sarili sa ibang gitarista. Kanya-kanya tayo ng kakayahan at kailangan lang na pagkumparahan ay ang iyong sarili. Magandang gawing inspirasyon ang mga magagaling na gitarista. Pero ang tunay na sukatan ay kung mas magaling kang mag-gitara ngayong araw na ito kesa kahapon. Ito ay senyales na umuunlad ka nga. Sapat na yon.
3. Paminsan-minsan meron ding mga tinatamaan ng sobrang pagka-bilib sa sarili. Lalo kang hindi gagaling kung sarado ang utak mo at akala mo wala ka nang dapat matutunan. Lahat tayo ay puwedeng matuto sa isa't isa. Kahit mas magaling ka pa sa kausap mo, meron pa rin siyang alam na hindi mo alam.
4. Sa kabilang dako naman, mahirap din yung insecure o walang tiwala sa sarili. Ang confidence sa sarili ay kailangang tama lang para makatugtog ng maayos at maging open-minded sa pag-aaral ng bagong technique at piyesa. Huwag matakot na sumubok paminsan-minsan ng piyesa na medyo mahirap para masukat mo kung handa ka nang itaas ang level ng pagtugtog mo.
5. Ang madalas ko ring mapansin na sakit ay ang hindi makali at paiba-iba ang sinusubukang tugtugin. Kailangan mag-concentrate at pumirmi sa isang pinag-aaralan para makabuo ng isang tugtog na masasabing pinaghirapan mo.
6. Meron ding mga makakalimutin. Kapag natapos nang pag-aralan ang piyesa, kinakalimutan na lahat ng natutunan. Hindi ko sinasabing kabisaduhin ang lahat ng piyesang natugtog sa halip ay tandaan ang mga lessons at experiences na nasagap habang pinag-aaralan ang piyesa.
7. Isa pang sakit na dapat gamutin ay ang ugaling "puwede na yan" o "bahala na". Mapapansin mo ito sa pagtugtog ng ibang gitarista na parang kinaladkad lang sa kalye ang pagtugtog ng piyesa. Ang pagtugtog ng musika, lalo na't classical guitar, ay napaka-precise at may mga disiplinang sinusunod para makatugtog ng maayos. Kahit gaano ka-simple lang ang piyesang pinag-aaralan, dapat pag-ukulan ng sapat na atensyon at gawing opportunity para mag-advance ang skills.
8. May napapansin din akong sakit sa ibang gitarista na masyadong obsessed sa technique at nakakalimutang ang technique ay tool lamang para gumawa ng musika. Kahit ikaw pa ang pinakamabilis na mag-scales at mag-arpeggio, o kaya ikaw ang pinakamatinding mag-rest stroke o mag-tremolo, kung ginagamit mo lang ito para magpasikat imbes na magpahayag ng emotions, wala kang mararating sa larangan ng musika.
Mahirap mang tanggapin ang mga sinabi ko, kahit ako ay tinatamaan din ng mga ito.
Sana ay may magic pill na maiinom para magamot ang mga sakit na nabanggit ko.
Sana ay may malalapitan tayong albularyo na makakagamot sa pamamagitan ng mga dahon, kandila, langis at dasal.
Pero ang pinaka-mabisang gamot pa rin ay ang self-awareness at perseverance na ma-overcome ang mga balakid sa pag-unlad.
Kaya sa susunod na may bumati sa yo ng,
"Ang galing mo bro!"
Unahan mo na at sabihing,
"Kasi wala akong sakit."

Comments
Post a Comment