Kuko Ko
Ang pinakamadaling paraan na ma-identify ang isang classical guitarist ay ang pagpuna sa mga kamay. Mapapansin na mahaba ang mga kuko niya sa isang kamay at maiksi ang mga kuko sa kabila. Siyempre, hindi ito laging totoo kasi ganito rin ang makikita mo sa mga ukulele players pero mas kakaunti lang sila. Sa halip na gumamit ng plastic fingerpicks, ginagamit ng classical guitarist ang kanyang natural na kuko para mag-produce ng magaganda at iba’t-ibang uri ng tunog sa gitara. Merong ding mga gitarista na ayaw gumamit ng kuko, pero sa ngayon wala pa akong personal na nakikilala na hindi gumagamit ng kuko. Q: Paano ginagamit ang kuko sa pagtipa? A: Hindi purong kuko ang ginagamit sa pagkalabit ng strings. Ito ay kumbinasyon ng tip ng daliri at ng kuko. Ang tip ng daliri ang unang lumalapat sa string para patigilin ang pag-vibrate nito tapos saka mo ikakalabit ang kuko. Napakabilis na proseso ito at nagiging reflex na lang ito paglaon. Madalas ay iniiba ang angulo ng kuko bago ...