Sino teacher mo?


Madalas kong marinig o mabasa ito: “Kuya – ako po ay self-taught na gitarista lang kaya hindi ako gaanong kagalingan.”

Bakit kaya naka-associate ang term na “self-taught” sa pagiging hindi magaling – lalo na sa musika? Ang alam ko lahat ng gitarista ay self-taught – kahit sa conservatory pa nag-aral. Bakit ko nasabi ito? Kasi nasa tao talaga ang susi ng kanyang pag-unlad. Malaki ang naitutulong ng mga instructors at institutions pero sila ay nagfa-facilitate lang ng learning. Kahit anong larangan, kung ang estudyante ay walang sariling pagsisikap, wala siyang mararating – kahit si Albert Einstein pa ang teacher niya. Ganun din ang tingin ko sa pag-aaral ng gitara. Oo mas mabilis at mas maraming matutunan sa conservatory, pero hindi ibig sabihin na lahat ng nanggaling sa conservatory ay magagaling. Marami pang kailangang matutunan ang isang estudyante pagka-graduate sa kolehiyo at diyan pumapasok ang pagiging self-taught. Lahat tayo ay may capacity na matuto sa sariling pagsisikap. Pero pinakamahirap sa lahat ang turuan ang sarili dahil pasan mo ang mundo at kaaway mo lagi ang sarili mo. Gagaling ka ba kung self-taught ka lang? Oo naman. Maraming magagaling at sikat na musicians ay walang formal musical education. Gumaling sila kasi nagsikap sila, hindi dahil nag-aral sila sa conservatory.

Paano nga ba turuan ang sarili? Maraming paraan tulad ng pagre-research, panonood ng ibang gitarista, pag-participate sa mga forums, pag-contact sa mga marurunong, pakikipag-jamming at higit sa lahat, masugid at matalinong paraan ng pag-praktis. Iwasan din ang pagkumpara ng kakayahan mo sa kakayahan ng iba. Ang dapat mo lang sukatin ay kung mas magaling ka ngayong araw na ito kesa kahapon. 

In short, kung walang tiyaga walang nilaga.

Self-taught = hindi magaling? I doubt.

Comments

Popular posts from this blog

Philippine Guitar Music CD

Kuko Ko