Kabisote


Natatandaan ko yung mga dinadalang loose blackboards ni Ms. Lara sa mga classrooms namin nung 6th Grade kami sa PCC. Nakalista dito ang mga topics sa Science na kokopyahin namin sa notebook at kakabisaduhin. Makaka-asa kaming merong oral exam sa next session at pag hindi ka nakasagot ay “remain standing” ka. Siyempre sa sobrang takot at muntik nang maihi sa salawal, madalas hindi namin masagot ang mga tanong, so maraming beses na standing-room-only ang classroom namin.

Meron din palang magandang naidulot ang training na ito kahit papaano. Hindi man kami gumaling sa Science, nahasa naman ang utak namin sa pagkakabisa.

Sa pagbabasa ko ng mga guitar pieces, merong mga pagkakataong kinakabisado ko ang piyesa dahil sa:

  1. Masyadong mahaba o maraming pages ang piyesa – mahirap maglipat ng pahina
  2. Maganda at gusto kong matugtog kahit anong oras at kahit walang piyesa

Marami nang naisulat tungkol sa “memorization techniques”. Ilan diyan ay
           
1.       Simulan sa huling bahagi ng piyesa ang pagkabisa
2.       I-visualize ang piece, parang litrato sa utak
3.       Kabisaduhin  ang paisa-isang section – tulad ng intro, stanza, chorus, coda
4.       Tugtugin ng mga 50 times yung piyesa hanggang bumaon ito sa utak

Walang tulak-kabigin sa mga techniques na ‘yan at lahat ay effective kung laging gagamitin.

Isa pang related na topic sa pagkabisa ay ang tinatawag na “muscle memory”. Habang paulit-ulit na tinutugtog ang piyesa, nababaon sa reflexes ng mga muscles natin ang sequence ng pagtugtog. Ito ang next level ng memorization kasi parang naka-autopilot na ang mga daliri mo. Kapag naabot mo ang level na ito, mas madali nang mag-emote o mag-express ng feelings. Dito nagsisimulang maging music ang mga notes na tinutugtog mo – you’re playing from the heart kumbaga.

Ang combination ng memorization techniques at muscle memory ay matibay na foundation ng musicianship.

Kabisote ka ba? Ipagmalaki mo kabayan.

Comments

  1. Maraming salamat sa napakabuting payong ibinahagi n'yo dito tungkol sa epektibong pagsasaulo ng pag-aaral, kabilang na rin ang mga paraan para matanim sa isip ang bawat musiko na ibig kong malaro nang maganda at mabuti.

    Sana marami pang Pinoy na katulad mo ang magsilbing bayani sa larangan ng musikang atin.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Philippine Guitar Music CD

Kuko Ko