Sintunado

Note: Kung tinatamad kang basahin ito, puwedeng panoorin na lang ang video sa dulo ng article na ito. Kung 'ala kang available data para panoorin ang video, pagtiyagaan na lang ang sinulat ko :-)

Magandang piyesa, masarap sanang pakinggan pero may isang problema – wala sa tono ang gitara. Kung nagbigay sana ng kaunting oras para itono ang gitara bago tumugtog, iba sana ang kinalabasan ng performance.

Nakakagulat pero nakakapakinig ako ng mga gitarista, amateur man or pro, na sintunado ang kanilang gitara during a performance – live o maski sa recordings. Para maiwasan ito, gawing habit ang i-check muna ang tono ng gitara bago o pagkatapos tumugtog ng isang piyesa.

Ano ba ang pinaka-mabilis at mabisang paraan sa pagtono ng gitara? Iba-iba ang paraan at depende kung ano ang makasanayan mo. So isa-isahin natin ang mga pinaka-kilalang methods:

1. Gumamit ng guitar tuner
2. Gumamit ng ibang instrumento – piano, ibang gitara
3. Gumamit ng reference note at itono ang ibang strings ng mano-mano


Makakatulong din na tandaan ang mga punto na ito:

  1. Kung bago ang strings, medyo matagal bago mag-settle ang mga ito kaya mas madalas na itinotono ang gitara.
  2. Siguruhing maayos ang pagkaka-tali ng mga strings para hindi ito dumulas at mawala sa tono.
  3. Palitan ang mga strings kung luma na at hindi na maitono ng maayos.
  4. Kung minsan ay gitara na mismo ang may diperensiya at kailangan itong patingnan o ipagawa.
Kung interesado ka pa sa topic na ito, panoorin ang maikling video na ginawa ko:






Comments

Popular posts from this blog

Philippine Guitar Music CD

Kuko Ko

Pengeng Tabs