Kaya Mo Ba Yan?
“Aba, bakit naman hindi?
Mukhang napakadali lang tugtugin ng piyesa base sa napanood ko sa concert.”
Pero mga ilang araw matapos pagtangkaan ang piyesa, eto naman ang sinasabi sa sarili:
“Bakit kaya
sangdamukal na ang binili kong libro at sheet music pero wala pa rin akong
matugtog? Bakit hindi ako gumagaling?”
Karamihan
sa mga nakikilala ko ay “forever beginner”. Maraming dahilan diyan at isa dito
ay ang tinatawag kong “takaw tingin”. Porke kaya ni Pedro na tugtugin ang isang
mahirap na piyesa, hindi ibig sabihin kaya rin ni Juan. Dapat alam ni Juan ang
limits ng kanyang skills.
Mga ilang halimbawa:
Mga ilang halimbawa:
- Kung
kahapon ka lang unang nakahawak ng gitara, huwag kang magtangkang tumugtog ng Leyenda
(Asturias).
- Kung halos
natutugtog mo pa lang ang simplified version ng Lulay, kalimutan mo muna ang
Fantasy Variations on Sarung Banggi.
- Kung madali
para sa iyo ang mga mahihirap na piyesa ni Roland Dyens, siguro magaling ka na
nga.
Get the
point?
Tinamaan ako dito sa mga payo n'yo - sa pag-aakalang kaya ko gawin yong ginawa no'ng bata sa recital, nagsimula akong bumili ng isang libro sa musika. Nang naro'n na sinubukan laruin ang mga simplified tunes, pero hanggang doon na lang.Nagpatuloy ang pangarap na darating ang panahon marami pang dati ay naririnig na musika sa radyo ang maaring pag-aralan na'ng malaro ang mga piesa nito, binili ko ang dalawang baul ng libro ng mga musikang Amerikano at ilang lathala ng Pilipino. Di ko naalalang, hindi ko pala kilala ang sarili ko na ako ay maraming topikong hilig matutuhan o kaya ay gawin, na anupa't wala naman pala akong panahon para harapin madalas ang bawa't isa sa mga ito. Buhay nga naman - ang ikli ng oras ng bawat araw sa katakawan sa karunungan ko.
ReplyDeletemarami akung tabs sa computer namin pero naeexited akung pratisin ito pero hindi ku alam kung alin ang uunahin ku , patulong naman po hehe
ReplyDelete