Relax Ka Lang


Kung makakapanood ka ng recital ng isang tunay na guitar maestro, parang napaka-fluid ng pagtugtog niya. Parang hindi siya nahihirapan sa pagtugtog at nakukuha pang ngumiti paminsan-minsan. Pero bakit kaya kapag tayo ang nag-try na tumugtog ng parehong mga piyesa na yon e parang natitisod ang tugtog natin? Parang walang buhay at ang daming tigil? Sumasakit ang ulo natin at maski ang mga taong nanonood sa atin e gusto tayong batuhin (ng kamatis)?

Isa sa mga dapat matutunan ng gitarista, lalu na yung mga nagsisimula pa lang, ay ang pag-relax sa sarili habang tumutugtog. Napakahirap i-master ng skill na ito kasi dapat conscious ka kung kelan nagiging strained ang pagtugtog mo. Hindi mo mapapansin na hindi ka na pala humihinga o kaya e tight na ang mga muscles mo. Dapat ma-recognize mo ang mga signs na ito para kung mangyari man e masasabi mo sa sarili mo na mag-relax.

It also helps na i-annotate ang sheet music with signs o symbols para i-remind ka na huminga. Hindi nalalayo ang pagtugtog ng gitara sa pagkanta – kailangan ka ring huminga para ang tugtog mo ay magkaroon ng buhay.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Philippine Guitar Music CD

Kuko Ko

Pengeng Tabs