Langitngit


Isa sa mga paboritong topics sa gitara ay ang string squeak o langitngit.
Ano nga ba ito? Ang squeak ay naririnig kapag lumilipat ng position/fret ang daliri ng hindi ito inaangat sa string – usually sa bass strings.  Iba-iba ang opinion ng mga tao tungkol dito. Merong nagsasabing magandang marinig ang mga squeaks kasi natural ang dating at sigurado kang tao nga ang tumutugtog. Merong naaasiwa tuwing nakakarinig ng squeaks kasi hindi raw professional ang dating.

Sa tingin ko ay merong middleground sa mga magkasalungat na opinions na ito. Hindi  matatanggal ng lubos ang ingay sa strings pero puwedeng i-manage ito para kaunti lang ang squeaks habang tumutugtog.

Kadalasan ang gitarista mismo ay hindi niya napapansin na may squeaks ang pagtugtog niya. Dala ito ng pag-focus niya sa mga notes na tinutugtog niya at hindi na niya namamalayan ang ibang ingay sa paligid – kasama na ang ingay ng strings.

Paano nga ba ma-minimize ang string squeaks?

  1. Una sa lahat ay merong mga position shifts na impossibleng ma-eliminate ang squeaks so dapat ma-recognize ito ng gitarista para hindi maubos ang oras niya kung paano itama ang problemang walang solusyon.
  2. Mag-praktis na palagiin ang pag-angat ng daliri mula sa string kapag lilipat ng position, imbes na i-slide ang daliri.
  3. Ibahin ang fingerings para mabawasan ang ang position changes sa bass strings.
  4. At ang pinakamabilis na solusyon, bumili ng polished bass strings. Medyo may kamahalan lang at hindi ito tumatagal tulad ng ordinaryong strings, pero solved ang problema sa squeaks kapag ito ang ginamit mo.


Maingay man o hindi, pinaka-importante pa rin ang magandang interpretation at tone sa gitara.

Comments

Popular posts from this blog

Philippine Guitar Music CD

Kuko Ko

Pengeng Tabs