Praktis Lang
“Kung ano ang tinanim siya rin ang aanihin.” Isang kasabihan na walang kasing-totoo. Kumbaga sa pagtugtog ng gitara, kung hindi ka nagpa-praktis, wala kang matutugtog. Lahat tayo ay busy sa kanya-kanyang buhay at kakaunti lang ang oras para sa extra-curricular activities or personal hobbies natin. Kung isang oras lang sa isang araw ang mailalaan mo sa hobby mo, paano mo malulubos ang oras na yon para umusad ang iyong kaalaman? Sa pag-aaral ng gitara, uubusin mo ba ang konti mong oras sa pagtugtog ng mga piyesa o gagamitin mo ba ito sa pag-praktis ng mga scales, arpeggios at iba pang techniques or methods? Bago mo pa man sagutin ang mga tanong na yan, ang una mo dapat na alamin ay ano ba ang mga goals mo? Kung gusto mong makarami ng piyesa ay sige at tumugtog ka ng iba-ibang areglo o piyesa. Kung gusto mong i-reinforce ang mga foundational skills mo, mas magandang i-focus ang oras sa pag-aaral ng techniques and methods. Dapat alam mo ang gusto mong maabot para mai-layout mo an